^

Probinsiya

Engineer tsinap-chop, isinako ng katiwala!

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
Engineer tsinap-chop, isinako ng katiwala!
Narekober ng mga pulis sa madamong lugar ng Brgy. Habay 1 sa Bacoor City, Cavite ang apat na sako kung saan nakasilid ang putul-putol na katawan ng nawawalang si Engr. Napoleon Fernandez matapos katayin ng katiwalang drug addict.
Kuha ni Cristina Timbang

‘Di pinabale, P4.9 milyong cash at alahas kinulimbat

CAVITE, Philippines — Matapos maiulat ang pagkawala ng may mahigit isang buwan, putul-putol na ang katawan nang matagpuan ang isang civil engineer makaraang tsap-tsapin gamit ang sariling samurai nito ng kanyang katiwala saka isinako at itinapon sa madamong ba­hagi ng Brgy. Habay 1, sa Bacoor City ng lala­wigang ito, kahapon ng umaga.

Naaagnas na nang ma­tagpuan ang putul-putol na katawan ng bik­timang si Napoleon Fernandez, isang civil engineer at residen­te ng Brgy. Habay, Bacoor City, Cavite.

Naaresto naman ang suspek na isa uma­­nong drug addict na si Romnick Missiona Bombeo, 30-anyos, construction wor­ker, taga-Espirtu Compound, Brgy. Zapote, Las Piñas City, at stay-in caretaker ni Engr. Fernandez sa Brgy. Habay, Bacoor City.

Sa ulat ng Bacoor City Police, humingi ng tulong sa kanilang himpilan si Danilo Fernandez, residente ng Brgy. San Isidro, Talisay City, Cebu sa pa­mamagitan ng tawag sa telepono hinggil sa pag­kawala ng kaniyang kapatid na si Napoleon simula pa noong Hulyo 7, 2023.

Agad na nagtungo ang pulisya sa bahay ng bik­tima sa Brgy. Zapote at dito naabutan pa nila ang naturang caretaker na papaalis na sana bitbit ang isang backpack. Agad tinanong ng mga pulis ang katiwala kung nasaan ang kanyang amo (biktima) at ang sagot lang nito ay nasa bakasyon.

Gayunman, napansin ng mga pulis na balisa ang nasabing katiwala at pautal-utal sa pagsa­got sa mga tanong kaya nagduda na ang mga operatiba.

Nang hilingin ng pulis sa suspek na kung pu­wedeng makita ang la­man ng bitbit nitong backpack, dito na umano siya biglang nanlaban at kinagat pa nito ang isa sa mga pulis bago tu­makbo patakas.

Dito na nagkaroon ng habulan hanggang sa madakma ang suspek at nang tingnan ng mga pulis ang laman ng dala nitong bag ay tu­mambad sa kanila ang napakaraming pera na nagkakaha­laga ng P4,926,100, mga alahas na tatlong gold bracelets, tatlong gold chains, isang gold ring at dalawang relo; dala­wang Samsung flip cell­phones, mga wallet at iba’t ibang ID na pag-aari ng nawawalang bik­tima.

Agad na inaresto ang suspek at pagdating sa istasyon ng pulisya ay dito na niya inamin ang ginawang pagpatay sa among inhinyero na pinag­putul-putol nito ang ka­tawan saka isinilid sa apat na sako.

Itinuro na rin ng suspek kung saan nito itinapon ang chop-chop na kata­wan ng amo at agad na tinungo ng pulis ang lugar.

Dakong alas-10:45 ng umaga kahapon nang marekober ng pulisya ang apat na sako kung saan nakalagay ang putul-putol na katawan ng biktima sa may madamong bakanteng lote ng Neverland, Brgy. Habay 1, Bacoor City.

Alibi ng suspek, hindi umano siya pinabale ng suweldo ng engineer at pinagalitan din siya nito kung kaya nagdilim umano ang kaniyang pani­ngin at napatay niya ang kanyang amo.

Pagtalikod ng bikti­ma, agad na kinuha ng ka­tiwala ang samurai na pag-aari ng una na naka-display saka niya pinagtataga hanggang sa chinop-chop at isinako, saka itinapon.

Lumalabas sa imbes­tigasyon na lulong sa illegal na droga ang suspek.

vuukle comment

BACOOR CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with