^

Probinsiya

Doktora na misis ng retired police general na pinatay, inilibing na

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Doktora na misis ng retired police general na pinatay, inilibing na
Buhat-buhat ng isang pulis ang malaking larawan ng pinaslang na si Dr. Maria Vicenta Tello, maybahay ni retired Police General Agustin Tello, matapos ihatid ang abo nito sa kanyang huling hantungan sa Datu Ondin Sinsuat, Maguindanao kahapon.
John Unson

COTABATO CITY , Philippines — Hinatid na sa huling hantungan nitong umaga ng Sabado ang abo ng kilalang mapagkawanggawa na manggagamot na pinatay nitong Hulyo 23 ng kanyang assistant sa loob ng isang gusali sa Cotabato Regional Medical Center (CRMC) dito sa lungsod.

Maraming doktor dito at mula sa iba’t ibang bayan at lungsod sa Central Mindanao ang dumalo sa paglagak sa libingan ng mga abo ng bangkay ng obstetrician-gynecologist na si Dr. Maria Vicenta Tello sa Marian Hills Memorial Park sa ‘di kalayuang Barangay Tamontaka sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Ayon sa kabiyak ng napaslang na doctor na si Agustin Tello, isang retired police general, bagama’t nasaktan sila sa brutal na pagpaslang sa kanyang misis, ng mismong assistant nitong si Nasrudin Endaila, napapawi kahit paano ang sakit na kanilang nadarama sa paniniwalang makakamit din nila ang hustisya.

Magugunita na sumuko sa pulisya si Endaila nitong Lunes at agad na inamin ang krimen nang mahukay ng mga imbestigador ng Cotabato City Police Precinct 1 and bangkay ni Tello sa gilid ng isang gusali sa likurang bahagi ng hospital compound kung saan niya ito inili­bing matapos patayin sa sakal habang nasa isang conference room sa loob ng CRMC compound.

Sa pahayag ni Endaila sa mga reporters at mga city officials, napatay niya sa galit si Tello nang sinita siya nito sa harapan ng ilang tao, hinggil sa kanyang nagamit na malaking halaga ng buwanang kontribusyon ng mga doctor para sa kanilang organisasyon kung saan isang treasurer ang biktima.

Unang iniulat mismo ni Endaila sa pulisya na nawawala at posibleng na-kidnap si Tello ngunit natukoy kalaunan ng mga imbestigador sa kanilang masusing im­bestigasyon na si Endaila ang pumatay sa amo makaraang sakalin nito at inilibing sa gilid ng gusali kung nasaan naganap ang krimen.

Nasampahan na ng kasong murder ang nakadetine nang si Endaila, ayon kay Col. Querubin Manalang, director ng Cotabato City Police Office.

CRIME

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with