^

Probinsiya

Bagong ebidensya vs killer ng doctor, nakalap ng pulisya

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Bagong ebidensya vs killer ng doctor, nakalap ng pulisya
Si Nasrudin Endaila na umamin na sa pagpatay sa kilalang obstetrician-gynecologist dito na si Maria Victoria Tello, ay nasa kustodiya na ng Cotabato City Police Precinct 2.
STAR/ File

COTABATO CITY , Philippines — Nakasamsam nitong Huwebes ng gabi ng karagdagang ebidensya ang pulisya laban sa umamin nang killer ng isang doctor na nawala at nahukay ang bangkay sa loob ng isang hospital compound, apat na araw matapos maiulat sa isang presinto dito na nawawala.

Si Nasrudin Endaila na umamin na sa pagpatay sa kilalang obstetrician-gynecologist dito na si Maria Victoria Tello, ay nasa kustodiya na ng Cotabato City Police Precinct 2.

Siya ay sumuko isang oras makaraang mahukay nitong Huwebes ng mga imbestigador ang bangkay ng biktimang kanyang ibinaon sa gilid ng isang gusali sa loob ng compound ng Cotabato Regional Medical Center, mas kilala na CRMC, dito sa timog na bahagi ng lungsod.

Kanyang isinalaysay kay Cotabato Mayor Bruce Matabalao, sa presensya ng city police officials at mga reporters, na pinatay niya sa sakal si Tello habang nasa sa loob ng isang function room sa isang gusali sa CRMC at inilibing sa mababaw na hukay matapos siyang komprontahin nito hinggil sa mga nawawalang hawak niyang monthly cash contributions ng mga miyembro ng isang organisasyon ng mga lokal na mga manggagamot.

Si Endaila ay isang staff ng naturang medical society at siyang humahawak ng mga pondong mula sa mga miyembrong mga doctor at mala­king halaga diumano ang nawawala at hindi niya maipaliwanag kung saan napunta. Kanyang inamin sa mga reporters na nagamit  niya ang perang nawawala.

Nitong gabi ng Huwebes, natagpuan ng mga imbestigador sa labas ng tahanan ni Endaila ang bag, mobile phone mga ATM cards at iba pang mga gamit na daladala ni Tello noong araw na kanyang isina­gawa ang krimen. Si Endaila din mismo ang nag-report sa pulisya na nawawala ang doctor na sinisilbihan din niya bilang part-time support staff.

Ayon kay Brig. Gen. Allan Nobleza, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, gagamitin bilang karagdagang ebidensya sa pagsampa ng kasong murder laban kay Endaila ang naba­wing mga gamit ni Tello.

HUWEBES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with