Magkaibigan kritikal sa pamamaril sa Lanao

COTABATO CITY, Philippines — Isang magkaibigan ang malubhang nasugatan matapos silang pagbabarilin sa Barangay Raw-an, bayan ng Lala sa Lanao del Norte nitong umaga ng Huwebes.

Sa pahayag nitong Biyernes ni Major Allan Oniana ng Lala Municipal Police Station, nasa pagamutan na sina Mila Lacasa Atentista at Marjo Bondaug Ramas na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanilang mga katawan.

Mabilis na tumakas ang mga suspects patungo sa direksyon ng Baroy, Lanao del Sur, ayon sa pahayag ng mga saksi sa mga imbestigador ng naturang himpilan ng pulisya na nagresponde sa insidente.

Agad namang naisugod sa pagamutan ang mga sugatang sina Atentista at Ramas ng mga barangay officials na tumutulong na sa pagkilala sa mga bumaril sa kanila upang masampahan ng kaukulang kaso.

Show comments