Contractor itinumba ng tandem

Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala ng kalibre 45 sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan ay kinilalang si Cornelio Cuevas, 48, residente ng Sitio Labak, Brgy. Poblacion.
STAR/File

CANDELARIA, Quezon, Philippines — Patay agad ang contractor matapos pagbabarilin ng motorcycle riding-in-tandem criminals habang nakaupo sa kanyang sasakyan kamakalawa ng umaga sa Barangay Poblacion sa bayang ito.

Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala ng kalibre 45 sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan ay kinilalang si Cornelio Cuevas, 48, residente ng Sitio Labak, Brgy. Poblacion.

Ayon sa imbestigas­yon ng pulisya, bandang alas-9:00 ng umaga ay nakaupo sa loob ng kanyang sasakyan ang biktima na nakaparada sa gilid ng kalye nang lapitan ng isang hindi nakikilalang lalaki at walang sabi-sabing pinaulanan ng punglo.

Nang matiyak ng sa­la­rin na patay na ang biktima ay tinungo nito ang isang motorsiklo na hindi kalayuan sa crime scene na minamaneho ng kasabwat nito saka mabilis na tumakas.

Show comments