Pastor na nagpainom ng tubig sa 2 lalaki, itinumba

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang isang pastor nang pagbabarilin ng dalawang lalaki na humingi ng inuming tubig sa kanya sa Sitio Dinumpilan, Brgy. Malinao, Libmanan, Camarines Sur, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Dindo Lome­nio Candelaria, 39, may-asawa, pastor ng Christian Bible Baptist Church, at residente ng naturang lugar.

Sa ulat, alas-6:00 ng umaga habang nasa labas ng kanilang bahay ang biktima nang duma­ting ang dalawang suspek at humingi ng maiinom na tubig.

Pumasok ng ka­ni­lang bahay ang biktima at kumuha ng maiinom, subalit paglabas nito para ibigay ang inumin ay biglang bumunot ng baril ang mga suspek at walang kaabug-abog na biglang pinagbabaril ang biktima na duguang bumulagta.

Agad na tumakas patungo sa hindi malamang direksyon ang dalawang suspek.

Nakuha sa crime scene ang apat na basyo ng bala ng kalibre 9mm na baril.

Patuloy sa imbestigas­yon ang mga pulis sa pagkakakilanlan ng mga suspek at motibo sa pamamaslang.

Show comments