^

Probinsiya

6 ‘holdaper’ na dumayo, nasukol

John Unson - Pilipino Star Ngayon

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Kalaboso ang anim na umano’y kilabot na holdaper mula sa Davao Oriental nang masukol ng awtoridad sa lungsod na ito, tatlong oras makaraan silang dumayo at mang­holdap ng isang establisi-­ m­yento sa Makilala, Cotabato nitong Martes.

Nasa kustodiya na ng Kidapawan City Police Office ang mga suspek na kinilalang sina Gemar Solidag Tipan, Manilito Paragas Linda, Allan Colita Miesco, Dennis Singson Sefuentes, Denver Jay Sefuentes at Arcadio Tipan Sefuentes Jr., na nakorner ng mga humahabol na pulis sa isang mataong business center dito.

Sa pahayag nitong Miyerkules ni Brig. Gen. Jimili Macaraeg, director ng Police Regional Office-12, ang anim na suspek ay unang nangholdap nitong Martes ng umaga ng mga sales agent ng isang food corporation, habang nakikipag-transaction sa Alabata Store sa Barangay Malasila, Makilala.

Sapilitan umanong nakunan ng mga suspek ng P50,000 cash ang tatlong biktima at ang may-ari ng establisimyento.

Sa halip na bumalik sa Davao City kung saan sila nagmula, nagtungo pa ang mga suspek sa sentro ng lungsod, gamit ang isang Mitsubishi Strada pick-up truck, para sa planong mangholdap ng isa pang tindahan.

Gayunman, nasukol ang anim na suspek ng mga kasapi ng Makilala Municipal Police Station at Kidapawan City Police Office nang maispatan sila habang nakaparada sa gilid ng Jose Abad Santos Street, na mistulang may minamanmanan.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang 9mm pistol, tatlong .45 caliber pistol, ilang sachet ng shabu at mga perang kanilang nakulimbat.

Ayon sa mga local go­vernment officials ng mga bayan ng Banaybanay at Lupon sa Davao Oriental, residente ng kanilang pro­binsya ang mga suspek at may mga criminal records na sa iba’t ibang himpilan ng pulisya.

JIMILI MACARAEG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with