Mag-ina kinatay ng kapitbahay na adik

MANILA, Philippines — Pinagtataga hanggang sa mapatay ng isang drug addict ang mag-ina na kanyang kapitbahay nitong Biyernes sa Cebu City.
Dead-on-the-spot ang mga biktimang sina Landrea Gemongala, 66, at anak na si Artemio, 31; kapwa residente sa Sitio Batarya, Barangay Banban, Asturias, Cebu.
Arestado naman ang suspek na si Jeperson Hortelano, 30, na nahaharap sa kasong double murder.
Ayon kay P/Senior Master Sergeant Gilmer Noval, alas-4 ng hapon nang maganap ang krimen sa loob ng bahay ng mag-inang Gemongala. Napagtripan umano ng suspek na kilalang drug addict sa kanilang lugar at madalas na nawawala sa katinuan nang pasukin ang bahay ng mga biktima at walang sabi-sabing pinagtataga ang mga biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
- Latest