Mister utas sa sumemplang na motorsiklo

MANILA, Philippines — Patay ang isang cons­truction worker nang mabuwal ang minamaneho niyang motorsiklo kamakalawa ng umaga sa Tagoloan, Misamis Orien­tal.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Angelito Tac-an, 58, at residente sa Brgy. Sta Cruz, ng nasabing bayan.

Batay sa report ng Tagoloan Municipal Police, umaga ng Sabado nang maganap ang insidente sa national highway na sakop ng San Vicente, Brgy. Ca­singlot, Tagoloan.

Lumilitaw na naglalaro ng basketball ang apat na kabataang lalaki nang big­lang lumipad ang ka­nilang bola sa kalsada. Nagkataong paparating si Tac-an at nasapol ng bola dahilan para sumemplang ito.

Sa lakas ng pagbagsak ng biktima, tumama ang ulo nito sa kalsada na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Show comments