^

Probinsiya

Libu-libong Mayon evacuees, binisita at pinasaya ni Kuya Will

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines — Pansamantalang nakalimutan ng libu-libong mga evacuees ang nararamdamang stress at pagka­balisa sa mahigit ng isang buwang panunuluyan sa loob ng mga evacuation centers sa Albay dahil sa patuloy na pag-aalboroto ng Mt. Mayon matapos silang personal na bisitahin ng sikat na tv host na si Willie Revillame at bigyan sila ng ayuda.

Halos dumugin ng mga bakwit si Revillame na tinawatag ding “Kuya Will” ng kanyang nilyun-milyong followers, lalo na nang mamigay siya ng pera sa mga bakwit sa pamamagitan ng pagpalaro nito ng “hep-hep, hurray”, mamigay ng pera at jacket sa mga matatanda, buntis at kantahan ang kanyang mga tagahanga sa mga malalaking evacuation centers sa Gabawan Ele­mentary School sa bayan ng Daraga; San Andres Evacuation Centers ng Sto. Domingo; Bariw Evacuation Center sa Camalig; at San Antonio Evacuation Center sa Tabaco City.

Halos nasa mahigit 5-libong pamilya ang napasaya ng sikat na “Wowowin” host dahil sa pamumudmod ng pera at relief goods. Tig-isandaang libong piso ang kanyang iniwan sa mga kapitan ng barangay at alkalde na binisita para ipambili ng mga gamot at iba pang pangangailangan ng mga bakwit.

Ayon kay Revillame, hindi siya nagdalawang isip nang kausapin ni Ako Bicol Cong. Elizaldy Co at Cong. Jil Bongalon na pasayahin at tulungan ang mga kababayan ng dalawang kongresista.

Isinama pa ni Revillame sa lugar ang kaibigang si Tutok-to-Win Partylist Cong. Sam Versosa at nangako sa mga bakwit na babalik para mamigay ng house and lot.

EVACUATION

WILLIE REVILLAME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with