^

Probinsiya

Bahay pinasok: 3-anyos kinatay, ina at lola kritikal

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Bahay pinasok: 3-anyos kinatay, ina at lola kritikal
Kinilala ng Lamitan City Police ang nasawing bata na si Sanaya Abdalun Anjal habang ang mga malubhang nasugatan ay sina Linda Sabdalun Anjal, 23-anyos, ina ni Sanaya at ang 51-anyos na lola nitong Linda rin ang pangalan.
STAR/ File

COTABATO CITY , Philippines — Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 3-anyos na batang babae habang nasa malubhang kalagayan ang kanyang ina at lola matapos silang pasukin sa loob ng kanilang bahay at pagtatagain ng isang lalaki sa Lamitan City, Basilan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng Lamitan City Police ang nasawing bata na si Sanaya Abdalun Anjal habang ang mga malubhang nasugatan ay sina Linda Sabdalun Anjal, 23-anyos, ina ni Sanaya at ang 51-anyos na lola nitong Linda rin ang pangalan.

Agad namang naaresto ang isang 27-anyos na lalaking suspek na kinila­lang si Bonie Tandi Erang.

Sa pahayag nitong Biyernes ni Brig. Allan Nobleza, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, ang suspect na si Erang ay dinakip matapos niyang patayin sa taga ang 3-taong gulang na si Sanaya habang nasa loob ng kanilang tahanan bandang alas-8:00 ng gabi nitong Huwebes.

Pinagtataga rin ni Erang ang ina ng bata na si Linda at lola nito na kapwa inoobserbahan sa isang ospital.

Sa ulat ng Lamitan Police kay Nobleza, sa hindi malamang kadahilanan, basta na lang pinasok ni Erang ang bahay ng mga Anjal sa Brgy. Balagtasan at agad silang pinagtataga.

Ayon kay Nobleza, nagtangka pang tumakas ang suspect ngunit siya ay inabutan at agad na naaresto ng mga nag-respondeng mga barangay officials at mga pulis.

Nasampahan na bago magtanghali nitong Biyernes ng kasong murder at two counts ng frustrated murder si Erang sa pagtutulungan ng lokal na pulisya at mga barangay officials sa Balagtasan.

SANAYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with