^

Probinsiya

P35 milyong nabubulok na karne, nadiskubre ng BOC  

Danilo Garcia, Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
P35 milyong nabubulok na karne, nadiskubre ng BOC            
Ang mga frozen meat products na nagkakahalaga ng P35-milyon na nadiskubreng nabubulok na sa improvised cold storage facilities sa Meycauayan, sa ikinasang ins­peksyon ng BOC sa Meycauayan, Bulacan kamakalawa.
Michael Varcas

Bodega sa Bulacan ininspeksyon

MANILA, Philippines — Nasa P35-milyong halaga ng nabubulok na karne ng baboy at baka ang nasamsam ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC) katuwang ang Department of Agriculture (DAR) at National Meat Inspection Service (NMIS) matapos nilang pasukin ang warehouse na sinasabing imbakan ng mga imported meat products sa Meycauayan, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Natagpuan ng composite team sa pamumuno ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ang mga nabubulok na karne sa dalawang “improvised cold sto­rage facilities” sa loob ng Meycauayan Industrial Subdivision, Brgy. Pantoc, Meycauayan.

Pagbukas ng mga inspektor sa mga pasilidad, sumalubong sa kanila ang mabahong amoy mula sa mga nabubulok na karne ng baboy at baka.

Hindi naman inabutan ng composite team ang may-ari ng bodega kaya sa opisyal ng homeowner’s association na lamang iprinisinta ang Letter of Authority (LOA). 

Sinaksihan naman ang operasyon ng mga opisyal ng Department of Agriculture’s Inspectorate and Enforcement (DAIE) at ng National Meat Inspection Service (NMIS).

“Since the owners or building administrator were not present during the service and implementation of the Letter of Authority (LOA), raiding team proceeded to the subdivision’s homeowners’ association to effect the substituted service thereof,” ayon kay CIIS Director Verne Enciso hinggil sa isinagawang inspeksiyon.

Sinabi naman ni Deputy Commissioner for Intelligence Group Juvymax Uy na nagsagawa ng inisyal na ebalwasyon ang DAIE at NMIS sa mga meat products, at base sa pisikal na hitsura at mabahong amoy, ang mga meat products ay nadeterminang “unfit for human consumption”.

Pinuri ni Commissioner Bienvenido Rubio ang close coordination sa pagitan ng BOC at DA, at pinasalamatan ang barangay at HOA officials na nakipag-ugnayan sa isinagawang pagsisilbi sa LOA at inspeksiyon sa warehouse.

Lumalabas na nanggaling ang mga frozen products sa bansang India at Germany na ibinebenta sa merkado.

vuukle comment

MEAT PRODUCTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with