^

Probinsiya

Mayon nagbuga ng higit 1K toneladang sulfur dioxide

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mayon nagbuga ng higit 1K toneladang sulfur dioxide
A local from Daraga, Albay photographed the Mayon volcano emitting smoke, three hours after Phivolcs placed Mayon under Alert Level 3 on Thursday, June 8, 2023.

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Philippine Institute of Volca­nology and Seismology (Phivolcs) na umaabot na sa mahigit 1,000 sulfur dio­xide ang ibinuga ng Bulkang Mayon.

Sa inilabas na bulletin ng Phivolcs, nitong Martes ay nagbuga ang bulkan ng 1,128 tonelada ng sulfur dio­xide, na mas mataas kumpara sa 721 tonelada lamang na naitala noong Lunes.

Samantala, nakapagtala rin ang bulkan ng 24 volcanic earthquakes na mas mataas din mula sa dating tatlo lamang.

Naobserbahan ng Phivolcs ang may 423 rockfall events at walong pyroclastic density current (PDC) events ng bulkan.

Ayon sa Phivolcs, patuloy pa rin ang mabagal na pagdaloy ng lava na may habang 2.8 kilometro sa Mi-isi Gully at 1.4 kilometro naman sa Bonga Gully.

Nagkaroon din ng pagguho ng lava sa Basud Gully na hanggang apat na kilometro mula sa crater ng bulkan na patuloy pa ring namamaga.

Naitala rin ng Phivolcs ang 750 metrong taas ng plumes o katamtamang si­ngaw, na napapadpad sa kanluran-timog-kanluran.

Anang Phivolcs, nananatili pa rin ang Alert Level 3 sa bulkang Mayon, na nangangahulugang ito ay may ‘relatively high level’ ng unrest at ang hazardous eruption sa loob ng ilang linggo o ilang araw, ay posible pa ring maganap.

Nagpaalala muli ang Phivolcs na ang pagpasok sa 6-km radius permanent danger zone (PDZ) ng bulkan at pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa ibabaw nito ay mahigpit na ipinagbabawal.

Nagbabala rin ang ahensya sa posibilidad na magkaroon ng pagguho ng mga bato, pag-itsa ng mga tipak ng lava o bato, pag-agos ng lava, uson, katamtamang pagputok, at pag-agos ng lahar kung may matinding pag-ulan.

MAYON VOLCANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with