^

Probinsiya

Titser sinibak sa leeg ni mister, patay!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Titser sinibak sa leeg ni mister, patay!
Masusing iniimbestigahan ng SOCO ang ginawang pagpatay sa guro na si Cirila Solis Parila ng kanyang sariling mister sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Camalig, Dumalinao, Zamboanga del Sur.
John Unson

Pinaghihinalaan na may ibang lalaki

COTABATO CITY, Philippines — Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang babaeng guro makaraang sibakin sa leeg ng kanyang sariling mister dahil umano sa matin­ding pagseselos sa loob ng kanilang tahanan sa Dumalinao, Zamboanga del Sur, ayon sa pulisya kahapon.

Malaking sugat sa leeg sanhi ng pagkakataga ang ikinamatay ng biktima na kinilalang si Cirila Solis Parila, 48-anyos, guro ng Rebokon Agricultural and Vocational High School sa Dumalinao, at nakatira sa Brgy. Camalig ng nasabing bayan.

Ayon sa mga hiwalay na ulat nitong Lunes ng Dumalinao Municipal Police Station at ng Zamboanga del Sur Provincial Police Office, agad na tumakas ang 50-anyos na mister na si Allan Parila na nahaharap sa kasong parricide matapos nitong mapatay ang kanyang misis.

Kinumpirma ng mga kamag-anak ng na­pas­lang na guro na ma­dalas magtalo ang mag-asa­wang Parila dahil laging kinokompronta ng mister ang misis sa pagdududang may ibang lalaking karelas­yon na hindi naman niya mapa­ngalanan kung sino.

Sa gitna ng pagtatalo, tila naburyong sa selos ang mister hanggang sa kumuha ng itak saka tinaga sa leeg ang ginang.

Ayon sa anak ng biktima na si Azel Jean, walang trabaho ang kanilang ama dahil sa siya ang nag-aalaga sa kanyang kapatid na may kapansanan.

Lumalabas na nagkaroon muna ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa noong umaga ng Linggo bago naganap ang krimen, ayon pa sa salaysay ng mga kapitbahay sa mga pulis na nagresponde sa pinangyarihan ng krimen.

vuukle comment

CRIME

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with