^

Probinsiya

Lamayan binulabog ng panday: Bangkay sa kabaong binuhat saka ibinagsak!

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Lamayan binulabog ng panday: Bangkay sa kabaong binuhat saka ibinagsak!
Nahaharap sa patung-patong na kaso ang suspek na nakila­lang si Teofilo Sanorias, 58, at residente ng Purok 2 sa nabanggit na lugar.
STAR/File

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya , Philippines — Arestado ang isang panday na lango sa alak matapos nitong buhatin at ilabas mula sa kabaong ang nilalamayang bangkay saka ibinagsak sa sahig sa Brgy. Tuao North sa bayan ng Bagabag sa lalawigang ito, kahapon ng umaga.

Nahaharap sa patung-patong na kaso ang suspek na nakila­lang si Teofilo Sanorias, 58, at residente ng Purok 2 sa nabanggit na lugar.

Ayon kay Maj. Jolly Villar, hepe ng Bagabag Police, nakatanggap sila ng ulat kaugnay sa kaguluhan sa isang lamayan sa burol na agad nilang nirespondehan.

Lumalabas sa imbestigasyon na habang binabantayan ni Shiela May Nale, 29, ang bangkay ng kanyang ama na si Gonzalo Espinoza sa loob ng kanilang taha­nan at may mga taong nakikipaglamay nang bigla umanong pumasok ang lasing na lasing na suspek na si Sanorias at lumapit sa kabaong.

Habang pinagmamasdan ang bangkay ay sinabi umano na “Hindi naman ito tao” at mabilis na binuksan ang kabaong saka binuhat ang bangkay at inihulog sa lapag na ikinagulat din ni Estrella Espinosa, 62, ang asawa ng namatay.

Nagdulot naman ng kaguluhan sa burol matapos hindi magpaawat ang suspek habang patuloy sa pagsisigaw ng mga masasamang salita laban sa mga tao na nasa loob ng bahay.

Kalaunan ay pinagtulungan na ng mga residente na dakpin ang nagwawalang suspek at ipinasakamay sa mga rumespondeng operatiba ng pulisya.

ARRESTED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with