^

Probinsiya

Barko nasunog sa dagat:127 sakay, nasagip  

Danilo Garcia, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Barko nasunog sa dagat:127 sakay, nasagip   
he Philippine Coast Guard (PCG) responded to a fire incident that broke out in a passenger-cargo vessel MV Esperanza Star in Panglao, Bohol on June 18, 2023.
Facebook/Philippine Coast Guard

MANILA, Philippines — Nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang tinatayang 127 pasahero at tripulante ng isang pampasahero at cargo vessel na nasunog sa gitna ng paglalayag nito sa may karagatan ng Panglao sa Bohol kahapon ng umaga.

Sa ulat ng PCG, umalis sa Port of Lazi sa Siguijor ang M/V Esperanza Star at bumibiyahe patungo ng Port of Tagbilaran sa Bohol nang sumiklab ang apoy pagsapit sa Doljo Point, isang tanyag na tourist destination sa Panglao.

Agad na sumaklolo ang mga rescuers ng PCG-7 (sub-station) at BRP Malamawi na nagkasa ng rescue operations habang nakikipaglaban din sa apoy gamit ang kanilang mga firefighting equipments. Tumulong din sa pag-apula ng apoy ang mga tripulante ng BRP Cape San Agustin.

Dakong alas-10 ng umaga nang madeklara ng fire out sa nasabing barko habang nanatili sa lugar ang BRP Cape San Agustin at BRP Malamawi hanggang alas-12 ng tanghali kahapon para subaybayan ang nasunog na sasakyang-pandagat.

Sa inisyal na imbestigasyon, isang tripulante ang nagsabi na nagmula ang apoy sa labas ng engine room ng barko.

Ayon naman kay Bohol Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) chief Anthony Damalerio, ligtas na nakarating sa Tagbilaran port ang lahat ng pasahero at tripulante ng barko na nasagip para sa medical examination at binigyan na rin sila ng pagkain at tubig.

Bukod sa mga PCG rescuers at PDRRMO emergency respon­ders, nagbayanihan din upang sumaklolo ang mga bangkang pangisda maging ang dumaraang pampasaherong barko ng Trans Asia.

Ang M/V Esperanza Star ay may mga rutang Iligan City sa Mindanao, Lazi sa lalawigan ng Siquijor, Tagbilaran City sa lalawigan ng Bohol, at Cebu City.

Padaong na sana ito sa Tagbilaran, sa kalapit na Doljo Point ng Panglao Island nang sumiklab ang apoy sa loob ng barko.

PCG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with