^

Probinsiya

13-anyos Egyptian ASG sub-leader, sumuko

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
13-anyos Egyptian ASG sub-leader, sumuko
Ayon sa ulat ng militar kahapon, lumutang at kusang iprinisinta ang menor-de-edad na terrorist leader na tinawag sa alias “Ibrahim” ang kanyang sarili sa 1103rd Infantry Brigade headquarters noong nakaraang Miyerkules.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isang 13-anyos na Egyptian na kilalang sub-leader ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang sumuko sa mga awtoridad sa Indanan, Sulu.

Ayon sa ulat ng militar kahapon, lumutang at kusang iprinisinta ang menor-de-edad na terrorist leader na tinawag sa alias “Ibrahim” ang kanyang sarili sa 1103rd Infantry Brigade headquarters noong nakaraang Miyerkules.

Nabatid na naging miyembro ng teroristang grupo si Ibrahim noong 2017, noong siya ay 10-anyos lamang, nang dumating sila sa Pilipinas kasama ang kanyang amain, nanay at dalawang kapatid.

Napasabak na siya sa Basilan kasama ang grupo ni ASG leader Hatib Sawadjaan.

Ang nanay ni Ibrahim na nakilalang si Reda Mahmud ay namatay noong Setyembre 8, 2019 matapos nitong pasabugin ang sarili sa Barangay Kajatian sa Indanan habang ang kanyang amain na si Abduramil at kapatid na si Abdurahman ay sumunod na namatay sa engkuwentro makalipas ang tatlong buwan sa Barangay Kan Islam sa Indanan.

Ang isa pang kapatid ni Ibrahim na si Yusof ay napatay ng mga sundalo noong Abril 17, 2021 sa bayan ng Patikul.

ASG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with