^

Probinsiya

Malakas na pagsingaw sa Taal Volcano naitala ng Phivolcs

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Malakas na pagsingaw sa Taal Volcano naitala ng Phivolcs
Mayon Volcano spews white smoke in Legazpi City, Albay yesterday as the lava dome blocking its crater continues to swell.
AFP

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Phi­lippine Institute of Volca­nology and Seismology (Phivolcs) ng malakas na pagsi­ngaw o stea­ming activity sa Bulkang Taal sa lalawigan ng Batangas.

Ayon sa monitoring ng Phivolcs sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala rin ang bulkan ng paglabas ng plumes na may 2,100 metrong taas na napadpad sa may direksyon ng hilagang-silangan.

 Bukod dito, nagtala din ang Taal volcano ng 20 volcanic earthquakes pero mas mababa ito kumpara sa 38 volcanic earthquake nitong June 14.

Nagtala rin ang bulkan ng 5 volcanic tremor na tumagal ng 2-3 minuto at nagbuga ng  5,024 tonelada ng asupre  at upwelling ng mainit na volcanic fluids mula sa main crater lake ng bulkan.

Nananatili namang nasa alert level 1 ang Taal volcano kung saan patuloy na ipinagbabawal ng Phivolcs ang pagpasok ng sinuman sa Taal Volcano Island (TVI), lalo na sa main crater at Daang Kastila fissures at bawal din ang pamamalagi sa lawa ng Taal.

BULKANG TAAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with