3 ‘tulak’ timbog sa P1 milyong ‘damo’ sa Bulacan

KAMPO HENERAL ALEJO SANTOS , Philippines — Tinatayang nasa P1,080,000 halaga ng iligal na droga ang umano’y nasamsam sa tatlong pinaghihinalaang tulak sa anti-illegal drug operation ng mga awtoridad sa lungsod ng Malolos.
Kinilala ng pulisya ang tatlong suspek na sina Maribeth Melendez, Raffy Magpali Jr, at Arwin Jae Meneses.
Sa report, ikinasa ang operasyon ng Malolos police na may koordinasyon sa SOU 3 PNP-DEG at PDEA 3 nitong Hunyo 10 sa Brgy. Sumapang Matanda.
Nakumpiska sa mga suspek ang 10 plastic sachets na pinaghihinalaang dried marijuana, disposable hand glove na naglalaman din ng marijuana, improvised glass pipe na may lamang marijuana na tumimbang ng 9 kgs, may estimated value na P1,080,000.00 at P1,000.00 marked money.
Nahaharap sa kaukulang kaso ang tatlong suspek habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya.
- Latest