Bebot na ex-OFW, patay sa road accident

Makikita ang nakahandusay na biktima matapos masalpok ng bus ang minamaneho nitong motorsiklo sa kahabaan ng Soriano Highway, Tanza, Cavite, kamakalawa.
Maria Cristina Go Timbang

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival sa ospital ang 27-anyos na dalaga matapos sumalpok ang minamanehong motorsiklo ng isang pampasaherong bus sa kahabaan ng Soriano Highway, Brgy. Amaya 2, Tanza, Cavite.

Kinilala ang nasawi na si Janel Mae Latag, dating overseas Filipino worker (OFW), residente ng Tramo Road Brgy. Amaya 2, Tanza, Cavite.

Sa imbestigasyon, bago naganap ang aksidente, alas-9:30 ng umaga ay minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo sa nasabing highway nang masalpok ng kasabayang Yutong Bus (NBQ-5503) na minamaneho ni Mark Escover Catigan, 43,residente ng Junto Del Mar Munting Mapino, Naic, Cavite.

Sa lakas ng salpok ay tumilapon ang biktima at humataw ang ulo sa kalsada.

Show comments