2 Abu Sayyaf todas sa Basilan encounter
COTABATO CITY, Philippines — Dalawang kasapi ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang patay matapos makaengkuwentro ng mga sundalo sa isang liblib na barangay sa Sumisip, Basilan nitong Martes.
Sa hiwalay na pahayag nina Lt. Gen. Roy M. Galido, commander Western Mindanao Command at Brig. Gen. Allan C. Nobleza, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, kinumpirma ang naturang bakbakan sa mga mamamahayag kahapon at siniguro sa mga residente ng Basilan na ang kanilang mga unit sa probinsya ay masusing nagbabantay sa anumang pag-atake ng ASG bilang ganti matapos ang pagkakapaslang sa dalawa nilang kaanib. Sinabi ni Nobleza, mula sa report ng Basilan Provincial Police Office, isa sa napatay na Abu Sayyaf ay mula sa grupo na pinamumunuan ni Mudrimar Sawadjaan habang ang isa ay tagasunod ni Pasil Bayali.
Ang dalawa ay napatay sa sagupaan sa pagitan ng kanilang grupo at ng mga sundalo ng 64th Infantry Battalion ng Philippine Army, na binak-apan ng local police force at volunteer community watchmen sa ilalim ng Sumisip municipal government sa Barangay Pamatsaken, Sumisip, Basilan.
- Latest