^

Probinsiya

Taxi driver inilibre sakay ng mga guro matapos pumasa misis sa LET

James Relativo - Philstar.com
Taxi driver inilibre sakay ng mga guro matapos pumasa misis sa LET
Litrato ng taxi driver na si Joey Medina habang namimigay ng libreng sakay sa mga pasahero sa Baguio City
Mula sa Facebook account ni Cjhang Reg Samoy

MANILA, Philippines — Kung nagmamadaling kumita ang ilang tsuper para maka-boundary, iba naman ang pakulo ng taxi driver sa Baguio City na si Joey Medina — libreng sakay sa mga guro at student teacher matapos pumasa ang asawa niya sa Licensure Examination for Teachers.

Tinukoy ng GMA News bilang si Joey Medina ang driver. Aniya, ginawa niya ito upang magbigay pasasalamsat sa nakamit ng kanyang misis.

"GOODEVENING PO, FLEX KO PO ITO SI KUYANG DRIVER NG TAXI NA NAGSAKAY SA AMIN MULA SA Legarda rd. papuntang Leonard Wood Rd.... di ko lang po na ask yung name niya and nakapagpapic po kmi kaso sa cp niya huhuhu," kwento ng Facebook user na si Danica Tamsi Padilla nitong Linggo sa Facebook group na SaBaguio.

"SALUDO po ako sainyo sa paglibre po ng sakay sa amin and by the way sa mga naisakay po niya na nailibre niya alam ko pong alam niyo ang feeling na sobrang nakakatuwa na mayroon pa tayong driver na ganito."

 

 

Aniya, tanghali noon at inabutan nang malakas na ulan nang isakay sila. Pinili pa raw ni Medina na magbigay ng free ride imbis na unahin kumain ng tanghalian.

Sa kanyang taxi, nakalagay pa anya ang ilang karatulang nagsasabing: "FREE RIDE! for Teachers and Student Teachers. My wife passed the Licensure Examination for Teachers! (Just show your I.D.)."

"Sumakto naman na kasalukuyan akong nagaaral po ng Education and ang nakakaproud pa po dun sa BSU din po nakapaggraduate yung misis niya kung saan doon po ako kasalukuyang kumukuha ng edukasyon," patuloy pa ni Padilla.

"Isipin mo hindi biro ito para sa mga Drivers natin na isakay tayo ng LIBRE hindi man maaccomodate lahat ng pasahero pero atleast sinubukan parin ni kuya ang BEST NYA MAGPASAKAY NG LIBRE PARA SA MGA NAGAARAL NG EDUKASYON AT SA MGA MAGIGITING NATING MGA GURO."

Natuwa rin naman ang iba pang pasahero ni Manong Joey kahit na hindi guro.

Willing na willing sana magbayad ang komyuter na si Cjhang Reg Samoy, pero binigyan pa rin sila ng libreng sakay.

"Naiiyak pa si Sir while sharing with us. And luckily, kami raw ang first passengers ni Sir. It is a blessing to have encountered this despite our individuality and cultural differences. It is rare," ani Samoy.

"This is one of the main reasons why I love Baguio City. It’s not just about the weather, the place, or the life. But it is also about the people."

 

 

BAGUIO CITY

LICENSURE EXAMINATION FOR TEACHERS

TAXI

TEACHERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with