^

Probinsiya

May 24, holiday sa 184th anniv. ng Nueva Vizcaya

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
May 24, holiday sa 184th anniv. ng Nueva Vizcaya
Ipinakita ng isang lalaki mula sa bayan ng Ambaguio, Nueva Vizcaya ang mga inihandang kini-ing (smoked pork meat), isa sa mga paboritong ulam sa Cordillera, sa harap ng isang booth sa idinaos na “Grand Ammungan Festival” bilang bahagi ng 184th Founding Anniversary ng lalawigan sa provincial capitol sa Bayombong, Nueva Vizcaya kahapon.
Kuha ni Victor Martin

Bayombong, Nueva Vizcaya, Philippines — Idineklarang special non-working holiday ngayong araw, Mayo 24, sa Nueva Vizcaya kasabay ng kanilang pagdiriwang sa ika-184 Founding ­Anniversary ng nasabing lalawigan.

Sa bisa ng Excecutive Order 516-2023 na inilabas ni Governor Jose Jing Gambito, idinekla­rang non-working holiday sa buong lalawigan ng Nueva Vizcaya ang May 24 para sa selebrasyon ng “Grand Ammungan Festival,” na unang binuksan nitong Lunes.

Ayon kay Gambito, ngayong araw ay inaasahan na muling magtitipun-tipon ang nasa 18 Indigenous Peoples mula sa iba’t ibang tribu na matagal ng naninirahan sa lalawigan para makibahagi at makisaya sa street dancing competition at iba pang palabas na gaganapin sa  clisoc open field sa bayan na ito.

Ayon naman kay Tourism Operations Officer Marichelle Costales na siyang director general sa Grand Ammungan Festival 2023, lahat naman ng 15 mga bayan na bumubuo sa lalawigan ay makilahok sa limang araw na kapistahan.

Ang iba pang mga pinakaaabangan na mga pagtatanghal ay ang search for Saniata ti Nueva Vizcaya (Miss Nueva Vizcaya); Kulinarya Vizcaya Competition; Paramotor/Paragliding Exhibition; 1st Ammungan Bonsai Exhibition;  Live Ammungan Musikahan Concert by Local Performers at ang Gawang Vizcayano Exhibit and Trade Fair.

Ipinag-utos naman ni Gambito na bawasan ang ibang mga maii­ngay na programa bilang bahagi pa rin ng pagdadalamhati ng lalawigan sa biglaang pagpanaw ni Governor Carlos Padilla noong May 5 dahil sa atake sa puso.

“Due to the late go­vernor Padilla’s untimely death close to our Grand Ammungan Festival and the annual founding anniversary of the pro­vince, I suggested to the executive committee to tone down the merriment as we are still in a state of grief,” pahayag ni Gambito.

Naglaan naman ng tribute ang provincial government para kay Governor Carlos Padilla sa convention center kamakalawa ng gabi.

FESTIVAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with