CEBU, Philippines — Dahil sa pagkalat ng African Swine Fever (ASF), isinailalim sa state of calamity ang Aklan alinsunod sa inaprubahang resolusyon ng Sangguniang Panlalawigan.
Ayon sa Office of the Provincial Veterinarian, tinatayang aabot sa pitong bayan sa probinsya ang naiulat na may kaso ng ASF habang umabot naman sa 40 na baboy ang ibinaon sa lupa.
Nagsagawa rin ng disinfection sa mga lugar na napaulat na mayroong kaso ng African Swine Fever.
Ipinamahagi naman ng probinsya ang tulong pinansyal na aabot sa P2,000 hanggang P3,000 sa mga apektadong hog raisers.
Patuloy ang isinasagawang monitoring at checkpoint ng mga awtoridad upang mapigilan ang pagpasok ng mga buhay at karneng baboy sa nasabing lalawigan.