Dalagang architect ni-rape/slay sa sagingan
MANILA, Philippines — Bangkay na at walang saplot na pang ibaba nang matagpuan ang isang 28-anyos na architect-engineer sa plantasyon ng saging nitong Miyerkules sa Davao City.
Kinilala ni Police Major Catherine dela Rey, DCPO spokesperson, ang biktima na si Vlanche Mari Baragas.
Natagpuan ang katawan ni Baragas sa isang plantasyon ng saging sa Subasta Agrarian Reform Beneficiaries Agricultural Cooperative (SARBAC) sa Purok 6, Barangay Dacudao, na tinakpan ng tuyong dahon ng saging,alas-8:00 ng umaga, walong oras matapos maiulat na nawawala,alas-12:30 ng madaling araw.
Ayon kay Dela Rey, lumalabas sa autopsy na ang sanhi ng pagkamatay ng biktima ay “asphyxia by manual strangulation” at sa isinagawang eksaminasyon na mayroon itong “recent genital trauma” na nagkukumpirma na ginahasa ang biktima.
Makikita sa CCTV footage na ang biktima ay huling namataang sumakay ng dilaw na toktok o mas kilalang bao-bao o ongbak sa Crossing Fausta, Calinan District.
Nakunan na may sakay na isa pang lalaki ang driver ng toktok.
Posible umanong ito ang nagdala sa biktima sa banana plantation kung saan isinagawa ang pagpatay at panggagahasa.
Kinokondena naman ng United Architect of the Philippines-Davao City chapter ang insidente.
- Latest