3 patay, 9 sugatan nang makidlatan sa Iloilo; buntis kasama sa nasawi

Satellite image ng Banate, Iloilo mula sa kalawakan
Google Maps

MANILA, Philippines — Binawian ng buhay ang tatlong katao at siyam naman ang sugatan matapos tamaan ng kidlat sa Banate, Iloilo.

Sinasabing nangyari ang insidente sa Sitio Giragid, Baranggay Libertad sa naturang munisipalidad, ayon sa ulat ng Super Radyo dzBB nitong Martes.

Ayon sa mga nakaligtas, nag-aani ng uling ang mga biktima nang biglang bumuhos ang matindi-tinding ulan. Lingid sa kanilang kaalaman, tatamaan pala ng kidlat ang sinisilungan nilang kubo noon.

Kasama sa mga nasawi sina:

  • Mila Soberano: 38-anyos
  • Rosalie Soberano: 48-anyos
  • Britney Labos

Si Labos ay tatlong buwang buntis noong panahon ng insidente.

Sugatan naman sina:

  • Felomino Sadiang-ibon: 77-anyos
  • Janelyn Igona: 38-anyos
  • Carlo Soberano: 11-anyos
  • Jumar Soberano: 42-anyos
  • IJ Soberano: 29-anyos
  • Sharime Soberano: 20-anyos
  • Ivan Soberan: 44-anyos
  • dalawa pang katao

Isinugod naman sa pinakamalapit na pagamutan ang mga sugatan. Sa kasawiang palad, dinala naman na sa punerarya ang tatlong namatay sa insidente. — James Relativo

Show comments