MANILA, Philippines — Umulan ng papuri sa social media ang pakulo ng Cebuanong sari-sari store owner na si Livy Gedoria matapos mag-trending sa pamimigay ng libreng meryenda para sa mga estudyante — ito para mahikayat silang igihan ang pag-aaral.
Sa paskil ng anak niyang si Jessiel, ugali talaga ng kanyang inang magpakain ng mga batang nagugutom lalo na kung walang pera.
"[Last April 24], when their exam results are out, she started a new 'gimmick' to motivate her suki'ng estudyante. The first 20 perfect exam scorers get a free snack from Nanay Livy!" ayon kay Jessel sa Facebook noong isang linggo.
"Those who got perfect scores went to the store, with their test papers, to claim their free snack. Unfortunately, mama had to limit it to 20... I bet they'd do even better next exam, and to those who got 1 or 2 mistakes, perfect [na sa] sunod."
Ayon sa nakababatang Gedoria, uma-umaga talagang pinupuntahhan ng mga estudyante ang kanilang tindahan kahit noon pa at parang anak na ang turing.
Madalas pa raw tanungin ni Aleng Livy kung kumain na sila ng almusal o tanghalian. "Nanay" na rin daw kung tawagin siya ng mga bata na siyang pinapaulanan niya ng motivation para paghusayan makinig sa mga guro.
"Great job Mama Livy Gedoria for doing that to reward the students who got perfect scores and of course for giving that kind of motivation (BF Skinner is proud)," sabi pa ni Jessiel habang nire-reference ang psychologist na nakilala sa operant conditioning, o 'yung proseso ng pagbabago ng ugali gamit ang reinforcement o punishment.
"Congratulations students for finishing your exam with good marks! With or without a free snack ni nanay, always give your best shot."
Ilan sa mga pwedeng pagpilian ng mga estudyante ang isang pirasong turon o juice, na siyang sasamahan ng solut o sinudlan na mga uri ng tinapay.
Ikinatuwa ito ng netizens lalo na't ginagawa niyang tumulong sa ganitong paraan kahit makakaapekto ito sa kanyang arawang kita bilang maliit na negosyante.