^

Probinsiya

2 bayan sa Polilio Group of Islands idineklarang ‘insurgency free’

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

Camp Vicente Lim, Laguna , Philippines — Dalawa pang bayan sa Polilio Group of Islands sa lalawigan ng Quezon ang idineklarang “insurgency free” ng mga awtoridad.

Sa ulat, ang mga bayan ng Patnanungan at Jomalig, pawang sa Quezon ay parehong “insurgency-free municipalities” na kasunod ng ginanap na “Ceremonial Signing of Memorandum of Understanding” nitong Huwebes at Biyernes.

Ang nasabing mga bayan ay nakakuha ng grant mula sa inter-agency body dahil sa Stable Internal Peace and Security (SIPS) status matapos ang matagumpay na makamit ang mga kinakaila­ngang criteria na para makamit ang kapaya­paan sa kanilang lugar partikular ang wala nang naitatalang bayolenteng aktibidad ng New People’s Army sa loob ng isang taon, ayon kay Brig. Gen. Cerilo Balaoro Jr., commander ng 202nd Infantry Brigade.

Sa deklarasyon ng SIPS status, ang mga local chief executives ang siya nang mamamahala para sa pagmamantine ng katahimikan at seguridad sa nasasakupan habang isinusulong ang kanilang development initiatives para sa kapaka­nanan ng kanilang mga constituents, ayon pa kay Balaoro.

Nakatulong din ang re-declaration ng nasabing mga bayan laban sa CPP-NPA-NDF na “Persona Non Grata” at ang paglalagda ng “Pledge of Commitment” sa lahat ng stakeholders particular ang mga lokal na opisyales mula sa municipal level, kabilang ang iba’t ibang barangay chairmen at SK presidents.

Nauna rito, tatlong munisipalidad sa Polillo Group of Islands na kinabibilangan ng Panukulan, Polillo at Burdeos ang nakakuha ng SIPS status nitong Marso 2023.

 

INSURGENCY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with