Sanggol sinunog, itinapon sa basurahan!

Paa nawawala, posibleng kinain ng aso…
MANILA, Philippines — Kalunus-lunos ang sinapit ng isang bagong silang na sanggol na natagpuang sunog, walang isang paa at patay na sa loob ng basurahan sa Baggao, Cagayan, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.
Sinabi ni PCapt Jackelyn Urian, deputy chief of police ng Baggao na umaga ng Miyerkules nang humingi ng tulong sa kanilang tanggapan ang may-ari ng isang boarding house sa Brgy. San Jose, Bagga.o, Cagayan hinggil sa pagkakatagpo sa sunog na bangkay ng sanggol.
Kuwento ng landlady na hindi pinangalanan, nagwawalis siya sa loob ng compound nang mapansin niya ang sunog na sanggol na inakala niyang manika.
Pero ng kanyang siyasatin, nanindig ang kanyang mga balahibo nang malaman na totoong sanggol ang sunog na bangkay at wala na rin itong isang paa na posibleng kinain ng aso.
Isinailalim naman sa otopsiya ang bangkay ng sanggol saka agad na inilibing.
Nagsasagawa ng follow-up investigation ang pulisya upang matukoy ang walang pusong ina na posibleng nagtapon sa bagong silang na sanggol sa basurahan.
- Latest