4 lider ng NPA, 5 pang tauhan sumuko

Ayon kay Lt. Gen. Greg Almerol, chief ng AFP-Eastern Mindanao Command (AFP-Eastmincom), pinangunahan ni Lino Namatidong alyas Ka Dahon, Commanding Officer ng Headquarters Force Neo ng Northern Central Mindanao Regional Committee, ang NPA Command na nago-operate sa Caraga Region, ang pagsuko sa tropa ng mga sundalo sa nabanggit na lugar.
Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Umiskor ang tropa ng militar kasunod ng pagsuko sa batas ng apat na lider ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) at lima pa nilang tauhan sa Brgy. Bancasi, Butuan City, Agusan del Norte nitong Lunes.

Ayon kay Lt. Gen. Greg Almerol, chief ng AFP-Eastern Mindanao Command (AFP-Eastmincom), pinangunahan ni Lino Namatidong alyas Ka Dahon, Commanding Officer ng Headquarters Force Neo ng Northern Central Mindanao Regional Committee, ang NPA Command na nago-operate sa Caraga Region, ang pagsuko sa tropa ng mga sundalo sa nabanggit na lugar.

Ang mga nagsisukong opisyal ng NPA rebels ay sina Reyna Namatidong alyas “Miray”, misis ni Ka Dahon, tumatayong tagapamahala sa Regional Staff Education at Propaganda; Nestor Namatidong alyas Ka  Labni, Squad 3 Team Leader at Ronnie Polistico alyas Allan, Squad 4 Leader.

Sumuko rin ang ka­nilang mga tauhan na sina Angleo Pal-ot alyas “Ka Selda”, Squad 2, Regional Sentro De Gravidad (RSDG) Compaq Political Guide; Lyka Lagaolao alyas “Ka Jelly”, Squad 4 Medic; Jerry Inantag alyas “Ka Johny Boy”, Sub-RSDG MTJ Eagles, src1 member; Besto Tumanan alyas “Lagbas”; Gay-gaya Tumanan alyas “Longhair”, at Ronald  Dungogan alyas “Onad”; pawang ng Squad 4 ng nasabing grupo.

Isinuko naman ng mga rebelde ang 10 sari-saring armas na kinabibilangan ng tatlong shotguns, dalawang M16 rifles, dalawang M203 grenade launchers, isang AK 47 rifle, isang carbine rifle at isang Garand rifle.

Show comments