^

Probinsiya

Bulacan, sumabak sa waterway clean-up

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines —  Bilang bahagi ng komemorasyon ng Earth Day, nagsagawa ang Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO) kasama ang Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) at iba pang mga kinatawan mula sa Bulacan Police Provincial Office (BPPO) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ng waterway clean-up activity sa Brgy. Ubihan, Lungsod ng Meycauayan, Bulacan kahapon.

Nakipag-ugnayan din ang BENRO sa iba pang mga ahensiya kabilang na ang BPPO, National Bureau of Investigation (NBI), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), kasundaluhan at lahat ng mga municipal at city environment and natural resources offices sa lalawigan hinggil sa pagsasagawa ng Simultaneous Environmental Protection Operations (SEPO) ng DENR sa buong lalawigan.

Sa kanyang mensahe, pinaalalahanan ni Gobernador Daniel Fernando ang BENRO na unahin at protektahan ang kapaligiran, kaya naman regular nang isasagawa sa lalawigan ang SEPO upang makamit ang “Mabiyayang Kalikasan at Malinis na Kapaligiran” na kabilang sa People’s 10 Point Agenda.

“Hindi kayang protektahan ng kalikasan ang sarili nito. Dapat gawin ng mga tao, sa pangunguna ng gobyerno ang positibong aksyon upang protektahan ang kalikasan,” anang gobernador.

Bukod pa rito, kasama sa programa ng SEPO ang mga aktibidad sa pagpre­preserba ng kalikasan tulad ng paglilinis ng mga daluyan ng tubig, pagtatanim at pagpaparami ng mga puno, mineral hauling checking, quarry site inspection, pagbisita sa mga establisimyento, at iba pang kaugnay na mga aktibidad.

BPPO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with