^

Probinsiya

Pumpboat lumubog sa Zamboanga: 1 tepok

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Isang residente ng Zamboanga City ang namatay habang anim ang nakaligtas matapos na lumubog ang sinasakyan nilang bangka sa karagatang sakop ng Sacol Island sa Zamboanga City noong Sabado ng tanghali.

Ayon sa Zamboanga City Police Office, ang biktima, si Rodel Napalcruz, at mga kasama ay patungo sana sa Brgy. Pasilmanta sa Sacol Island nang pasukin ng tubig dagat ang kanilang pumpboat dahil sa pag­laki ng mga alon dulot ng biglaang paglakas ng hangin.

Nahiwalay si Napalcruz sa mga kasamang kumapit sa bangkang napuno ng tubig dagat kaya ito nalunod at tuluyang nasawi.

Kinumpirma sa pulis­ya ni Nasser Absarani, kapitan ng Bgry. Pasilmanta, ang insidente na nagresulta sa pagkakalunod ni Napalcruz.

Ayon sa pulisya, nakaligtas sa insidente ang mga kasama ni  Napalcruz sa bangka na sina Ron Lloyd Sabado, Oscar Bautista Hampag, Justine Jay Bucoy Sanchez, Myrna Dapii, ang pumpboat ope­rator na si Lengkeng Andaw at ang 6-taong gulang na anak nitong si Sonny Boy.

PUMPBOAT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with