^

Probinsiya

Suspek sa pagpatay sa DLSU student, tukoy na

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Suspek sa pagpatay sa DLSU student, tukoy na
Police have identified the suspect in the killing of a La Salle Dasmariñas student as Angelito Erlano. PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. said Erlano was previously arrested in April 2022 for robbery.
Photos courtesy of PNP | via Manny Tupas

P1.1 milyong reward vs suspek, inilaan

CAVITE -- Kilala na ng pulisya at posibleng anumang oras ay maaresto na ang suspek sa pagnanakaw at pagpatay sa graduating student ng De La Salle University (DLSU) sa lungsod ng Dasmariñas, dito.

Inilabas na ng Dasmariñas City Police sa pangunguna ni Police Col. Juan P. Oruga, hepe ng pulisya sa lungsod na ito ang pangalan at larawan ng suspek na nakilalang si Angelito Lacerna Erlano alyas “Kulet”, nasa hustong gulang at residente ng Brgy. San Nicolas 2, Dasmariñas City, Cavite.

Kasabay nito, itinaas na sa 1.1 milyong piso ang patong sa ulo ng nasabing suspek para sa sinumang makapagtuturo o makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroronan nito.

Kamakalawa nang pasukin ng suspek ang tinutuluyang dorm ng biktimang si Queen Leanne Daguinsin, 24-anyos, graduating computer science student ng DLSU-Dasmariñas, sa Rolisa Dormitory, Blk 6 Lot 5 Brgy. Sta Fe, Dasmariñas City.

Labing-apat na sak­sak ang tinamo ng biktima mula sa suspek na pumasok sa kanyang kuwarto at nilimas ang kanyang pera, alahas at iba pang kagamitan saka tumakas.

Sa follow-up operation ng pulisya at sa tulong ng mga CCTV, natunton ng awtoridad ang tinutuluyan ng suspek kung saan narekober pa rito ang isang itim na short at asul na t-shirt na suot ng suspek nang isagawa ang krimen.

Nakuha rin dito ang isang backpack na pam­babae na may tatak na  Sena brand na posibleng pag-aari ng biktima.

Ayon pa kay Col. Oru­ga, base sa record, sangkot ang suspek sa mga kaso ng pagnanakaw sa mga nagdaang taon.

vuukle comment

DLSU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with