Kagawad todas sa pamamaril

MALOLOS CITY, Philippines — Dead-on- the-spot ang isang brgy. kagawad matapos barilin ng ‘di pa nakikilalang suspek sa Brgy. Bagbaguin, Sta. Maria, Bulacan kahapon ng umaga.

Sa report na nakara­ting sa tanggapan ni P/Col. Relly Arnedo, Bulacan Provincial Director, kinilala ang biktima na si Aldrin Santos, 38 anyos, may-asawa at Brgy. Kagawad ng Brgy. Poblacion 2, Marilao, Bulacan.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-7:30 ng umaga habang ang biktima ay nakikipag-usap sa kanyang tiyuhin sa JOMS Driving school sa nasabing barangay nang biglang sumulpot ang suspek na naka-helmet sakay ng motorsiklo at mabilis na bumaba saka malapitang binaril ng tatlong beses ang biktima sa dibdib.

Agad na namatay ang biktima habang mabilis na tumakas ang suspek patungong Bocaue, Bulacan.

Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo sa pagpatay sa kagawad habang nagsasagawa ng manhunt operation ang mga otoridad sa ikadarakip ng suspek.

Show comments