Cagayan inuga ng 5.6 magnitude na lindol
MANILA, Philippines — Niyanig ng 5.6 magnitude na lindol ang Cagayan kahapon ng alas-7:31 ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang sentro ng lindol ay nasa layong 017 kilometro ng hilagang kanluran ng Dalupiri Island, Calayan, Cagayan.
Umaabot sa 015 kilometro ang lalim ng lupa ng lindol at ang ugat ng lindol ay tectonic na naramdaman sa lakas na intensity 5 sa Calayan, at Intensity 2 sa Flora, at Santa Marcela, Apayao.
Inaasahan na ng Philvolcs ang aftershocks kaugnay ng naganap na pagyanig.
- Latest