^

Probinsiya

Limang kelot tiklo sa pagnanakaw ng genset

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon
Limang kelot tiklo sa pagnanakaw ng genset
Kinilala ni Batangas Police Director Colonel Pedro Soliba ang mga suspek na sina Wilfred Labapis, 30, Robert Biñan, 54; Albert Aqui­lino, 51, Edwardo Rosales, 48 at Rafael Gonzaga, 46, pawang mga residente ng Tondo, Manila.
STAR/KJ Rosales

MANILA, Philippines — Limang lalaki na pinaghihinalaang magnanakaw ang naaresto matapos ipuslit ang isang generator set ng isang telecom company sa bayan ng Agoncillo, Batangas nitong Martes ng umaga.

Kinilala ni Batangas Police Director Colonel Pedro Soliba ang mga suspek na sina Wilfred Labapis, 30, Robert Biñan, 54; Albert Aqui­lino, 51, Edwardo Rosales, 48 at Rafael Gonzaga, 46, pawang mga residente ng Tondo, Manila.

Batay sa report, naganap ang pagna­nakaw sa generator set ng Globe Telecom sa Brgy. Bugagan, alas-4:00 ng madaling araw gamit ang isang boom truck.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang ninakaw na genset, isang boom truck, heavy-duty wrench pipe, kadena at sledge hammer.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Agoncillo police station at nakatakdang sampahan ng kasong kriminal.

ARESTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with