Mister ‘di nakayanan ang iniindang sakit, nagbigti

CATANAUAN, Quezon, Philippines — Dahil sa hindi na matiis ang nararamdamang sakit sa apdo, ipinasya na lamang ng isang mister na tapusin ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti kamakalawa ng umaga sa Sitio Mahanod, Barangay Tagabas Ilaya ng bayang ito.

Naisugod pa sa Bondoc Peninsula District Hospital subalit idineklarang dead-on-arrival (DOA) ang biktimang si Felipe Portinto, 56, may-asawa, magsasaka, at residente sa nasabing lugar.

Ayon sa pulisya, kapapasok lamang ni Ginang Erlinda sa loob ng kanilang bahay bandang alas-8:30 ng umaga nang mabungaran niya ang kanyang mister na si Felipe na nakabitin sa kisame.

Bago ang pagpapatiwakal, kinakitaan na umano ng kanyang pamilya ang biktima ng pagkaaburido at depresyon dahil sa kanyang iniindang sakit sa bato sa apdo.

Show comments