Davao Occidental niyanig ng 4.8 magnitude na lindol

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong alas-3:37 nang tumama ang lindol.
Phivolcs

MANILA, Philippines — Niyanig ng 4.9 magnitude na lindol ang Jose Abad Santos, Davao Occidental kahapon ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong alas-3:37 nang tumama ang lindol.

Ang sentro ng lindol ay naitala sa may 028 kilometro ng timog sila­ngan ng Jose Abad Santos Davao Occidental habang umabot sa 104 kilometro ang lalim ng lupa ng naturang lindol at tectonic ang ugat nito.

Bunsod nito, naramdaman ang lakas ng lindol sa Intensity 4 sa Malita, Don Marcelino at San Jose Davao Occidental habang naramdaman naman ang Intensity 3 sa Santa Maria at Sarangani sa Davao Occidental.

Naitala naman ang Instrumental Intensity 3 sa Don Marcelino, Davao Occidental, Intensity II sa Malungon sa Sarangani, Tupi sa South Cotabato, at Kiamba sa Sarangani at Intensity I sa Alabel, Sarangani, Koronadal City, Tampakan at T’boli sa South Cotabato.

Wala namang ulat na pinsala sa naganap na lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

Show comments