PRO-BAR, may bagong fire truck mula BARMM

Ang bagong fire truck ay tinanggap ng mga opisyal ng Bangsamoro regional police nitong Lunes.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Isang bagong fire truck ang tinanggap ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) nitong Lunes mula sa pamahalaan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Mismong si Regional Minister Naguib Sinarimbo ng Ministry of the Interior and Local Government ang nanguna sa pag-turnover kay Brig. Gen. John Guyguyon, director ng PRO-BAR, ng natu­rang unit sa isang simpleng turnover rites sa kapitolyo ng BARMM sa lungsod ng Cotabato.

Una nang nakapamahagi ng maraming pick-up type police patrol cars ang tanggapan ni Minister Sinarimbo sa PRO-BAR at iba’t ibang units nito sa mga probinsya ng Maguin­danao, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.

Maliban sa pagiging local government minister ng BARMM, ang abogadong si Minister Sinarimbo rin ang siyang namamahala ng Rapid Emergency Action on Disaster Incidence, o READi, isang rapid deployment cala­mity and disaster response contingent na may mga kawani na bihasa sa relief at rescue operations.

Show comments