MANILA, Philippines — Sinimulan na ng retrieval team ang pagkuha sa bangkay ng anim na lulan ng bumagsak na Cessna 206 sa magubat na kabundukan ng Brgy. Ditarum sa Divilacan, Isabela, ayon sa ulat kahapon.
Ito’y dalawang araw naman matapos na matagpuan na ang crash site ng nawawalang eroplano. Nitong Sabado ay narating na rin ng search and retrieval team ang crash site bandang alas-8 ng umaga.
Sa report ng Isabela Provincial Disaster Risk Reduction Management Office, bago dumating ang retrieval team ay nahirapan silang marating ng lugar dahil masyadong madulas ang daan sanhi ng mga pag-ulan sa lugar.
Ang crash site ng 6 seater Cessna plane na tinaguriang “Site Delta” ay matatagpuan sa matarik at magubat na bahagi ng bayan ng Divilacan ng lalawigan may 30 kilomentro ang layo sa baybayain at nasa 20 kilometrong radius naman sa paliparan sa Maconacon.
“Difficult terrain and the area’s thick jungle are contributing to the difficulty of retrieving the bodies which may take days, according to members of the multi-agency search and retrieval team,” pahayag ni Col. Xerxes Trinidad, spokesman ng Philippine Army.
Ang mga lulan ng missing Cessna plane ay ang pilotong si Captain Eleazar Mark Joven, mga pasahero na sina Tom Josthle Manday, Val Kamatoy, Mark Eiron Siguerra, Xam Siguerra at Josefa Perla Espana.
“Army soldiers and other responders are retrieving the remains of six passengers after search teams finally located the aircraft’s wreckage in the thickly forested part of Barangay Ditarum in Divilacan town on March 9, 2023,” ayon kay Trinidad.
Matatandaan na ang nasabing Cessna plane ay dapat na magla-landing sa paliparan ng coastal na bayan ng Maconacon ng mapaulat itong nawawala noong Enero 24 halos isang oras naman matapos itong magtake-off sa Cauyan Domestic airport.