^

Bansa

Binhing Palay App, pwede nang gamitin ng magsasaka para mapaganda ang kita

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Binhing Palay App, pwede nang gamitin ng magsasaka para mapaganda ang kita
Farmers harvest palay at a rice field in Lingayen, Pangasinan on March 11, 2023.
STAR/Cesar Ramirez

MANILA, Philippines — Inilunsad na ng Department of Agriculture at Phil Rice ang mobile application na maaaring maging panuntunan ng mga magsasaka upang mapaganda ang kanilang kita.

Tinawag ito ng DA bilang Binhing Palay App kung saan maaaring i-download sa mga mobile phone.

Sa application na ito, makikita ang mga tamang panuntunan sa pagta­tanim ng palay mula sa iba’t-ibang uri ng hybrid.

Kasama rin dito ang tamang paglalagay ng mga pataba, abono, insecticide hanggang sa pag harvest.

Makakatulong din ito para makatipid sa gastusin dahil mayroong mga gabay kung papaano mapapababa ang production cost.

Sabi ng DA, hindi lang makinarya at mga teknolohiya ang umuunlad sa paglipas ng panahon dahil may mga Information and Communication Technologist na rin na nagbibigay ng pantay na oportunidad para mapahusay at mapalakas ang modernong pagpapalayan.

DA

PALAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with