MANILA, Philippines — Niyanig ng malakas na lindol na may magnitude 5.9 ang Davao de Oro kahapon ng hapon.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), alas-2:02 ng hapon nitong Martes nang tumama ang lindol sa lalawigan.
Ang sentro ng lindol ay naitala sa 008 kilometro ng timog silangan ng New Bataan Davao De Oro.
Umaabot naman sa 010 kilometro ang lalim ng lupa ng naturang lindol at tectonic ang ugat nito.
Dulot nito, naramdaman ang lakas ng lindol sa Intensity 5 sa Maco, Maragusan, Nabunturan, New Bataan, at Pantukan, Davao de Oro samantalang Intensity 4 sa Monkayo, Davao de Oro; Tagum City, Davao del Norte; at Bislig City, Surigao del Sur.
Intensity 3 naman sa Santa Cruz, Davao del Sur; City of Davao; City of Mati, Davao Oriental at Intensity 2 sa City of Cagayan De Oro; Antipas, Carmen, at City of Kidapawan, Cotabato; Columbio, Sultan Kudarat samantalang Intensity I sa Aleosan, Cotabato; Esperanza, Lutayan, at President Quirino, Sultan Kudarat.
Ayon sa Phivolcs, asahan na ang pinsala sa naganap na lindol at mga aftershocks.