^

Probinsiya

5.9 magnitude na lindol, yumanig sa Davao de Oro

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
5.9 magnitude na lindol, yumanig sa Davao de Oro
Residents and casualties from Marasugan, Davao de Oro, flock to a treatment center in the municipality after the vicinity became an epicenter of a 6.2 magnitude earthquake on March 7, 2023.
Facebook/Local Government Unit of Maragusan

MANILA, Philippines — Niyanig ng malakas na lindol na may magnitude 5.9 ang Davao de Oro kahapon ng hapon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), alas-2:02 ng hapon nitong Martes nang tumama ang lindol sa lalawigan.

Ang sentro ng lindol ay naitala sa 008 kilometro ng timog silangan ng New Bataan Davao De Oro.

Umaabot naman sa 010 kilometro ang lalim ng lupa ng naturang lindol at tectonic ang ugat nito.

Dulot nito, naramdaman ang lakas ng lindol sa Intensity 5 sa Maco, Maragusan, Nabunturan, New Bataan, at Pantukan, Davao de Oro samantalang Intensity 4 sa  Monkayo, Davao de Oro; Tagum City, Davao del Norte; at Bislig City, Surigao del Sur.

Intensity 3 naman sa  Santa Cruz, Davao del Sur; City of Davao; City of Mati, Davao Oriental at Intensity 2 sa  City of Cagayan De Oro; Antipas, Carmen, at City of Kidapawan, Cotabato; Columbio, Sultan Kudarat samantalang Intensity I sa Aleosan, Cotabato; Esperanza, Lutayan, at President Quirino, Sultan Kudarat.

Ayon sa Phivolcs, asahan na ang pinsala sa naganap na lindol at mga aftershocks.

EARTHQUAKE

PHIVOLCS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with