^

Probinsiya

9 bayan sa Mindoro, apektado ng oil spill

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
9 bayan sa Mindoro, apektado ng oil spill
The Naujan, Oriental Mindoro oil spill has already reached Caluya, Antique, according to reports by the Philippine Coast Guard, March 4, 2023.
Released / Philippine Coast Guard

‘Bayanihan’ namayani, task force binuo

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Siyam mula sa 13 munisipalidad sa Oriental Mindoro ang apektado ng oil spill dahil sa paglubog ng motor tanker MT Princess Empress sa karagatang sakop ng lalawigan.

Base sa monitoring report ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, ang mga apektadong bayan ay ang Naujan, Pola, Pinamalayan, Gloria, Basud, Bongabong, Roxas, Mansalay at Bulalacao.

Sa Pola, ang third class municipality na binubuo ng 23 barangays, 11 dito na kinabibilangan ng Brgy. Miso, Calima, Batuhan, Zone 1, Zone 2, Bayanan, Tagumpay, Buhay na tubig, Bacawan, Tiguisan at baybayin ng Puting Cacao ang pinakanaapektuhan ng oil spill.

Apektado rin ang dalawang barangay at karagatan ng Masaguing sa Naujan, 9 barangay sa Pinamalayan, pito sa Gloria, apat sa Bansud, walo sa Bongabong, lima sa Roxas, walo sa Mansalay at pito sa Bulalacao.

Nasa kabuuang 10,362 pamilya at 48,885 indibiduwal ang naitalang naapektuhan ng kasalukuyang sitwasyon bunsod ng malawakang pagtagas ng langis kabilang ang kanilang pangkabuhayan at sa industriya ng pangisdaan.

Ayon sa Philippine Coast Guard, ang oil spill ay umabot na rin sa munisipalidad ng Caluya sa Antique kabilang ang apat na lugar sa Sitio Sabang ng Barangay Tinogbok, Liwagao Island ng Brgy. Sibolo, Sitio Tambak ng Brgy. Semirara.

Samantala, dahil sa nararanasang krisis, umani ang “bayanihan spirit” sa bayan ng Pola na nasa ilalim ng “state of calamity” dahil sa epekto ng oil spill sa kanilang kalikasan at kanilang pangkabuhayan.

Sinabi ni Pola Mayor Jennifer Cruz, ang oil spill sa kanilang marine area at coastal water ay nagbunsod para mabilis na umaksyon at magtulungan ang mga lokal na mangingsida, concerned government agencies at lokal na opisyales upang mapigilan ang pagkalat pa ng polusyon sa kanilang katubigan.

Aniya, mabilis silang naglagay ng tuyong dahon ng niyog sa may baybayin na nagsisilbing “booms” upang maharang ang oil spill at makolekta rin ang malagkit na itim na langis na dumikit at nakalutang sa lugar.

Bumuo rin ng task force upang mag-monitor sa impact ng oil spill, at sa kaganapan nito at magpatupad ng mga hakbang upang mapigil ang magkalat ng langis.

Ang task force ay binubuo ng mga personnel ng Mimaropa mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH), Bureau of Fire Protection (BFP), Phi­lippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG)-Southern Tagalog District, Armed Forces of the Philippines (AFP) Southern Luzon Command, at Mimaropa local government units.

PRINCESS EMPRESS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with