^

Probinsiya

3 ‘extortionist’ todas sa engkuwentro

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
3 ‘extortionist’ todas sa engkuwentro
Ang iba’t ibang armas, mga bala at kagamitan na nasamsam ng tropa ng 7th Infantry (Tapat) Battalion matapos nilang makasagupa ang teroristang grupo na ikinasawi ng tatlong extortionist sa Sitio Isuko, Banali, Senator Ninoy Aquino, Sultan Sultan Kudarat nitong Huwebes.
Public Information Officer, 6ID, PA

MANILA, Philippines — Patay ang tatlong miyembro ng teroristang grupo makaraang makaengkuwentro ng tropa ng 7th Infantry (Tapat) Battalion sa Sitio Isuko, Banali, Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat, ayon sa militar kahapon.

Ayon kay Lieutenant Colonel Frederick Chicote, commanding officer ng 7IB, agad rumesponde ang kanyang mga tauhan matapos madiskubre ang presensya ng armadong pangkat sa nasabing lugar.

“Eusevio Cranzo Tabunaway alias Ben or Brix, a member of Regional Tax Implementing Group (RTIG) of the weakened terrorist group was conducting foraging activities thereat,” pahayag ni Lt. Col. Chicote.

Mabilis na tinungo ng mga operating troops ng 7IB ang lugar, nitong Marso 2 ng tanghali hanggang sa makasagupa ang teroristang grupo na tumagal ang bakbakan ng may 10 minuto.

Tatlong miyembro ng teroristang grupo ang nakitang nakabulagta matapos ang nasabing engkuwentro.

Narekober ng mga sundalo sa lugar ang tatlong M16 rifle, isang M653 rifle, 13 long ma­gazine, 330 rounds ng 5.56mm ammo, dala­wang granada, limang bandolyer, apat na backpack, at mga subersibong dokumento, mga personal na kagamitan, pagkain, IDs, at iba pa.

Kaugnay nito, agad namang inatasan ni Brigadier General Michael Santos, commander ng 603rd Brigade, ang lahat ng mga yunit nito na maging alerto at tugisin ang ilan pang natitirang rebeldeng grupo.

Pinuri ni Major Ge­neral Alex S. Rillera, commander ng 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central, ang 7IB sa kanilang determinasyon at kagiti­ngan na protektahan ang mga mamamayan laban sa mga komunistang grupo.

TERORISTA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with