CTG member na sumuko, iprinisinta kay Gov. Pacquiao

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte, Philippines — Iprinisinta ni Major Ge­neral Alex Rillera, commander ng 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) na nagbalik-loob sa gobyerno, kay Sarangani Province Go­vernor Rogelio Pacquiao nitong Pebrero 8, 2023.

Si alyas “Jurib” na taga General Santos City ay nagpasyang sumuko dala ang isang Cal .30 Sniper Rifle na may sampung bala. Siya ay isang dating vice commanding officer (VCO) ng Platoon 2 ng GF 75, FSMR. Sumuko siya sa Purok Bayan, Barangay Maribulan, Alabel, Sarangani.

Nabigyan naman ng paunang financial assistance si Jurib mula sa provincial government ng Sarangani bilang pa­nimulang tulong pangkabuhayan.

Pinuri naman ni Maj. Gen. Rillera ang TF Gensan sa kanilang pagsisikap sa mapayapang pagsuko ng dating CTG member gayundin ang pamahalaang panlalawigan ng Sarangani sa pagtanggap nila kay alyas Jurib at makapamuhay ng normal sa lipunan.

Kasama rin sina TF GenSan commander Col. Galileo Goyena at 1st Mechanized Infantry Brigade commander Brig. Gen. Pedro Balisi Jr. sa ginawang presentasyon.

Show comments