Buwanang koleksyon ng BOC sa Port of Subic, nalagpasan
SUBIC BAY FREEPORT, Philippines — Ipinagmalaki kahapon ng Bureau of Customs (BOC)-Port of Subic na kanila nang nalagpasan ang target collection para sa buwan ng Enero ng kasalukuyang taon.
Nakapagtala ng 4.4% surplus o katumbas ng P170,276,582 ang Port of Subic kung ikukumpara sa kanilang itinakdang target collection na P3,813,620 noong nakaraang buwan.
Bagama’t ilang mga isyu ang kinasangkutan ng Port of Subic kabilang na umano ang talamak na agricultural smuggling subalit nagawa pa rin umanong malagpasan ang kanilang target collection.
Magugunita na noong Disyembre ng nakaraang taon nang masabat ng BOC-Port of Subic ang iligal na pagpasok ng mga agricultural products na kinabibilangan ng mga sibuyas, carrots at galunggong.
Samantala, noong buwan ng Agosto ng nakaraang taon ay umiskor din ang mga tauhan ng BOC-Port of Subic nang masabat nila ang nasa 7,000 metriko toneladang asukal na tinangkang ipasok sa bansa at walang kaukulang dokumento.
- Latest