P1.4-M halaga ng itlog sinunog sa Bacolod vs bird flu; permit expired kasi

Makikita sa litratong ito kung paano kumpiskahin at pagsusunugin ang P1.4 milyong halaga ng 240,000 itlog sa Bacolod City

MANILA, Philippines — Aabot sa 8,000 tray ng itlog galing sa Bantayan, Cebu ang pinagkukumpiska ng otoridad nang dumaong ito sa Bredco Port, Bacolod City matapos mapag-alamang paso na ang mga permit nito sa gitna ng banta ng Avian Influenza (bird flu).

Ito ang nangyari matapos ang operasyon ng Bacolod City Veterinary Office, Provincial Veterinary Office at BQS-BALDA nitong linggo.

"This is in compliance with the Joint [executive order] of Bacolod City and Negros Occidental that safeguards the province from Avian Influenza," wika ng Bacolod City Public Information Office nitong Huwebes.

"Bacolod City Veterinarian, Dr. May Dela Torre, reported that upon checking at the port, the shipper’s permit was expired and no other pertinent documents were presented by the shipper."

Papalo sa 240,000 table eggs na may estimated cost na P1.4 milyon ang dinispatsa ng City Veterinary Office dahil dito.

Tinatalakay sa Joint Executive Order 02, Series of 2022 ang guidelines paraa sa pagpasok ng lahat ng "live domestic and wild birds." Sakop ng kautusan ang lahat ng mga produkto at dumi ng mga nasabing hayop mula sa mga lugar na may naiulat na kaso ng "highly pathogenic" avian flu.

Ang pagwasak sa mga nasabing itlog ay alinsunod sa Section 5(c) ng kautusan:

"For the second record of apprehension, the same shall be seized and subjected to destruction and disposal by the implementing agency."

Nangyayari ito kasabay ng pagtataas ng presyo ng itlog nitong mga nakaraang buwan, bagay na siyang nasa hanggang P9 na kada piraso.

Isa ito sa dahilan kung bakit maraming gumagamit ngayon ng mas murang "frozen eggs" bilang alternatibo kahit na may peligro ng kontaminasyon.

Umaabot na sa 8.7% ang inflation rate sa Pilipinas ngayong buwan ng Enero, ang pinakamabilis na pagtaas ng presyo ng bilihin sa loob ng 14 taon.

Show comments