MANILA, Philippines — Isang tulak ng ilegal na droga ang balik-selda makaraan mahuli sa isinagawang buy-bust operation ng mga otoridad kamakalawa ng gabi sa Negros Oriental.
Kinilala ang nadakip na suspek na si Fernando Saga, 54,ng Sitio Canday-ong, Barangay Calindagan, Negros Oriental.
Sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Negros Oriental, ala-10:50 ng gabi nang madakip ang suspek sa naturang lugar at nakuha ang 4 na pakete ng shabu na may bigat na 1,015 gramo na may estimated street value na P6.9-M, buy-bust money, cellphone at iba pang personal na gamit.
Ayon sa pulisya, nakakapagbenta si Saga ng higit sa isang kilo ng shabu sa loob ng isang linggo na kadalasan ay nagmumula sa Cebu.
Si Saga ay mula sa Purok Orchids, Canday-ong at naaresto noong 2012 sa paglabag sa Sec. 5, Article II of Republic Act 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act at nakalabas ito noong 2016 sa pamamagitan ng plea bargain.
Muli ngayong nahaharap sa kaparehong kaso ang suspek.