^

Probinsiya

15 pawikan kinatay, 8 lalaki arestado

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
15 pawikan kinatay, 8 lalaki arestado
Ayon kay Police Major Joel Senogat Jr., Station Chief ng Sulu Maritime Police Station, kabilang sa mga kinatay ay isang hawksbill sea turtle na maituturing na critically endangered na.
BANAT/File

MANILA, Philippines — Walong lalaki ang dinakip matapos maaktuhang kinakatay ang aabot sa 15 pawikan sa Sulu.

Ayon kay Police Major Joel Senogat Jr., Station Chief ng Sulu Maritime Police Station, kabilang sa mga kinatay ay isang hawksbill sea turtle na maituturing na critically endangered na.

Batay sa ulat, nasa 15 pawikan ang kinatay sa baybayin ng Barangay Bubuan, Hadji Panglima Tahil sangkot ang walong lalaki.

“Patay na lahat [ng pawikan] at may na-reco­ver pa kaming mga buto. Ang nakalulungkot dito, may isa doon critically endangered na species yung hawksbill turtle and the rest are green sea turtle,” ani Senogat.

Sa impormasyon, ibebenta sana ng grupo ang kinatay na pawikan sa Tawi-Tawi.

“May buyer sila from Tawi-tawi daw, parang ita-transport nila somewhere between Tawi-tawi and Palawan area at Chinese ang kukuha doon. Hindi lang matukoy kung magkano ang bentahan talaga,” ani Senogat.

Nakuha mula sa grupo ang limang motorized banca at mga gamit sa panghuhuli ng mga pawikan.

Mahaharap sa rek­la­mong paglabag sa Wildlife Resources Conservation and Protection Act ang mga naarestong suspek.

PAWIKAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with